Barangay Marcos Village

 

History of Barangay Marcos Village

Noong unang panahon ay nasa mga bulubundukin ng MARGOT at sapang bato ang mga AETA silay nabubuhay sa pamamagitan ng pagtatanim ng gabi, palay at kamote. At sa pamamagitan ng pangangaso nila ay nakakatikim sila ng mga karne ng usa, ahas at mga baboy damo.

                Malapit sila sa kabihasan pero wala pang isa man sa pamilya nila ang nakakapag-aral sila ay may mga kultura na sila mismo ang gumawa tulad halimbawa ng pakikipag kasundo sa anak nilang babae o lalake sa mga kapwa nila katutubong AETA.

                At meron di silang batas na pansarili na kapag nakapatay ang isang tao ay kailangang buhay dn ang kapalit. Unang alalagak sa hukay ang piñata at sa ibabaw ay ang pumatay.

                Meron silang kalipunan na ang namamahala ay nangngangalang MAURICIO LAXAMANA, ito ay kanilang sinusunod, payak ang kanilang pamumuhay at ang pinahkukunan nila ng tubing na maiinom ay galling sa batis sa mga sibol wala silang pinupuntahang mga hospital kapag merong nagkakasakit mero silang pinaka albolaryo at sa pamamagitan ng tinatawag na dagaw ay kanilang ginagamot, ang mga may sakit kung minsan sinasayawan nila ang mga may sakit at nakasuot ng bahag at nagaalay ng putting manok bilang pasasalamat.

                Dumating ang ikalawang digmaang pandaigdig at sila ay nagsipag tago sa kabundukan kasama nila sa bundok ang kanilang pinuno nasi MAURICIO LAXAMANA ang kanilang tinatawag na DATU CHIEF.

                Sa pagtatago nila ay may natulungan silang mga sundalong amerikano na si CAPT. CANER at CAPT. BROS. Pinakain nila ito at ginamot, noong maitaboy ng puwersang amerikano at ang mga hapon ay pinasalamatan sila ng gobyernog amerikano, isa sa pinakamatanda ng tribo ang ginawa nilang king alfonso at queen mary ang kanyang kapatid na babae.

                At isa rin ang nagmalasakit sa mga maerikano ang bininyagan nilang prime minister kudiaro laxamana at inilipat sila sa magandang lugar at tinawag nilang macapagal village.

                Gusto ng mga amerikano na walang kasalamuhang hindi kulot ang mga katutubo at dito ay binigyan sila ng karapatan na magpa ospital sa loob ng clark air base tuwing may sakit.

                Binigyan din sila ng ikabubuhay na tinatawag na nilang sanitary land fill nakakapulot sila ng mga tanso, aluminyo at karton na kanilang ibenebenta.

                Sa pagdaan ng panahon ay nakaramdam ng katandaan si datu chief maurico laxamana kaya inilipat niya ang pamumuno kay Isaac lumanlan at sa dahilang dumadami ang mga humahalong mga unat ang buhok kaya inilipiat na naman sila sa tinatawag na san Joaquin sa mabalacat at tinawag nila itong san Joaquin village.

                Dito ay binigyan sila ng family pass ng amerikano na may litrato ng buong pamilya upang makadaan sila palabas at papasok sa mabalacat gate papasok ng village na binabantayan ng mga sundalong amerikano.

                Ngunit sadyang marami ang nagnanais na unat sa mga aeta dahil sa kanilang hanap buhay na galing sa sanitary land fill kaya inilipat na naman sila sa tabi ng bakod ng base na tinatawag nilang negrito village, tulad sa san Joaquin ay ipinagpatayo sila ng paaralan, simbahan at klinika na pwede nilang takbuhan sa simpleng gamutan pero sa oras na kailangan ng maospital ay agad din silang itinatakbo sa base hospital.

                Nagiging Masaya at magaan ang pamumuhay nila dito at dahil marami ng natutunan ang mga katutubo ay natuto silang mamulitika, dito sila nakaisip na bumoto ng mamumuno sa kanila sa pamamagitan ng buto ng patani, naglalagay sila ng litrato ng mga iboboto sa mga garapon at mula sa tinente del baryo hanggang sa mga konsehal ay inaabutan sila ng walong pirasong buto at sila ang nahuhulogan sa garapon na kanilang gusto.

                At ito na nagpapaubaya ang mga amerikano sa estilo ng kanilang pamumuhay na natutuhan nila, at hindi na nabawalan ang iba’t-ibang klase ng mga tao na humalo at nanirahan sa village.

                Ipinaresiklo nila ang negrito village bilang marcos village dahil kasalukuyang president ng bansa si pangulong Ferdinand marcos hanggang dumaan ang panahon at napalitan ang mga henerasyon at lalong marami ang namumulitika naghahangad ng magandang pwesto sa pamamagitan ng halalan.

                Mula kay kapitan caner laxamana nahalal nasi anastacio Serrano, sumunod na umupo sa pwesto si vigor laxamana at noong panahon ni pangulong cory Aquino ay umupong isang termino si ginang Rosalina ajos, sumunod na halalan ay si Roberto bernardo sa tatlong termino at ilang taon ding napagtagumpayan ng makaupo si bonifacio estanislao at sa kasalukuyan ay si chairman jose jerry m. dacio sila ay pawing mga unat ang buhok at ilan lang sa mga katutubong aeta ang nagtagumpay na makaupo sa pwesto.

                At ngayon ang tinaguriang marcos village ay isang Masaya at mataong baryo na ang karamihan sa mga nakatira ay nagtatrabaho sa clark air base na iniwan ng mga amerikano.

Mission:

Is to educate our citizens on self-reliance Cooperatives and Unity. As Barangay Officials we shall transform people from negative attitude to form a strong teamwork among citizens.

Vision:

To be exemplary on Barangay services as Barangay Officials, to be transparent on internal revenue allotment and other Barangay Income, to create and develop Socio-economic program and protect the eco-system especially Aeta’s land, and also to create income generating project cooperatives necessary taxes on commercial and natural wealth.  

JOSE JERRY M. DACIO

Punong Barangay

Read More >>

MARCO M. BERNARDO

Kagawad 1

Read More >>

ARCHIEBON A. ESTANISLAO

Kagawad 2

Read More >>

RODOLFO C. ARAÑAS

Kagawad 3

Read More >>

VICTOR S. MANANSALA

Kagawad 4

Read More >>

EDWIN D. TABORLUPA

Kagawad 5

Read More >>

ALLAN F. TOLENTINO

Kagawad 6

Read More >>

JOSEPH G. NARCISO

Kagawad 7

Read More >>

DENNIS E. TIGLAO

Secretary

Read More >>

MA. CHERRYL P. SORIANO

Treasurer

Read More >>